alt text

Countdown To First!

Read the 1st Five Essays of KBKP from its founder, Daryl Jab.

Click To Read
alt text

SIKYO

It was his chance, but it should be his last night on-duty! Get naughty with this Don Vittorio's short story of Kuya Juan's life...

Click To Read
alt text

Tab number #3

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Proin et felis eget tellus pharetra porttitor. Praesent dui arcu, egestas quis, adipiscing a.

Link #3
alt text

Tab number #4

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Proin et felis eget tellus pharetra porttitor. Praesent dui arcu, egestas quis, adipiscing a.

Link #4
alt text

Tab number #5

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Proin et felis eget tellus pharetra porttitor. Praesent dui arcu, egestas quis, adipiscing a.

Link #4
alt text

Tab number #6

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Proin et felis eget tellus pharetra porttitor. Praesent dui arcu, egestas quis, adipiscing a.

Link #4
alt text

Tab number #7

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Proin et felis eget tellus pharetra porttitor. Praesent dui arcu, egestas quis, adipiscing a.

Link #4
alt text

Tab number #8

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Proin et felis eget tellus pharetra porttitor. Praesent dui arcu, egestas quis, adipiscing a.

Link #4

Top Stories

Lunes, Agosto 29, 2011

SIKYO - KBKP's 1st Short Prose!

SIKYO
Written By Don Vittorio C. Villasin

Isang araw, sa isang paaralan ay may sikyo. Malamang. Kailangan ito upang may magbantay sa mga estudyante, guro at iba pang empleyado na papasok at lalabas ng paaralan.

Ang sikyo na tinutukoy ko ay ay papangalanan nating Kuya Juan. Mabait siya. Matagal na siyang sikyo sa St. Jude College of Nursing. May asawa siya, at salamat sa Diyos wala pa siyang anak na pinapakain. Sa hirap ng buhay ngayon, hindi rin dapat gaano iniisip na mag luwal ng punlay ng buhay upang makabuo ng panibagong kaluluwa hangga't hindi pa gaano nakai-ipon. At sa lagay ni Kuya Juan, mahirap 'yon dahil hindi naman siya nakatapos ng 4-year course sa college at ang suweldo niya sa pagiging sikyo ay hindi hamak na lagpas lang ng onti sa minimum wage na ino-offer sa bansa. Ang asawa naman niya ay nakiki-extra lang sa parlor ng kaibigan nitong bakla.

Pero gaya ng ibang kalalakihan, si Kuya Juan ay mapagbiro, palatawa, at makulet. At gaya ng ibang lalaki, si Kuya Juan ay malapit din sa mga kababaihan. Lalong-lalo na sa mga estudante. Malamang. Sikyo siya ng isang College of Nursing e.

Isa sa mga kabiruan niya ay si Elsa. Hindi niya tunay na pangalan. Dalaga ito na masasabi nating maganda talaga. Makulet din ito, at kabiruan lagi si Kuya Juan.

"O, Elsa, 'san ka nanaman pupunta? Cutting ka nanaman ha." biro ni Kuya Juan.
"Siyempre naman Kuya, 'san pa ba? E di sa dorm magpi-finger!" sasagot si Elsa.

Normal lang sa kanila ang ganitong biruan. Walang malisya.

Pero siyempre, si Kuya Juan ay lalake din. At gaya ng ibang lalake, medyo may impact 'yung mga ganung jokes.

Hindi na rin minsan maitanggi ni Kuya Juan na may pagnanasa siya kay Elsa. Alam niya din naman na sa dinami-dami ng naging kasintahan ni Elsa, lahat ng mga ito ay napasok ang kanyang pinaka-tatagong kweba. Yun e kung nakatago pa nga ba ito. Maaring may karatula na sa harap ng kuwebang ito na "Please Come in, We're Open" o kaya e "Insert Here to Continue".

Hindi tigang si Kuya Juan. Madalas niya naman diligan ng punlay ang kuweba ng kanyang asawa. Pero minsan, nararamdaman ni Kuya Juan na nakaka-sawa na. Parang isang estudyanteng paulit-ulit na pumasok sa isang museum at nag-sawa na sa mga laman nito.

Kumbaga e kailangan na ng bagong pang hasa ng espada niya. Kailangan na ng bagong sawsawan para sa lumpia. Bagong ulam para sa kaning bilasa.

Kaya isang gabi, nag-uwian na ang lahat. Night duty si Kuya Juan. Tahimik na ang mga corridor ng St. Jude College of Nursing. Wala nang tao. Hindi naman malaki ang paaralan. Dalawang building lang. Madali itong ikutin. Pero siyempre, nakakatakot pa din. Gaya ng karamihang tao, si Kuya Juan ay may takot sa dilim. Pero kailangan niyang labanan ito upang magampanan ng maayos ang trabaho niya na pinagkukunan niya ng pera na siyang kailangan niya para mabuhay sa araw-araw. Kaya baon ang flashlight, pumasok siya sa grounds ng paaralan.

Bumungad sa kanya ang quadrangle. Andun pa ang kotse ng Dean. Mukhang nag-overtime ata. Pumasok siya sa building at nag-ikot sa ground floor. Tahimik. Madilim. Tanging tunog ng mga yapak niya ang maririnig.

Umakyat siya sa second floor. Tahimik din. At natanaw niyang may ilaw nga sa opisina ng Dean. Hindi na niya pinuntahan ito at baka mag-wala lang ito dahil sa pagkakagulat sa kanya. Chi-neck niya ang mga CR. Sa lalake muna. Ambaho. Ampanghe. Napadura pa siya sa may lababo. Sinunod niya ang sa pambabae. Ambango. Amoy pinipig.

Umakyat siya sa third and last floor. Mas lalong tahimik. Naglakad siya sa corridor at sinilip ang mga classroom. Medyo natakot siya dahil parang naiisip niya na may nakaupo sa mga silya. Naglakad siya papuntang CR. At lalong tumatayo ang mga balahibo niya. Meron siyang naririnig na tunog...parang ungol...at kada lapit niya papuntang CR ay lalo itong lumalakas, bumibilis...kinikilabutan na si Kuya Juan. Nagpapawis na ang kili-kili niyang may tawas...

Nanginginig niyang tinutok ang flashlight sa pinto ng CR...at pagbukas niya....

Bumungad sa kanya ang hubong katawan ni Elsa, naka-tuwad at may isang lalake sa likuran nito na uma-ariba.

Nagulantang ang dalawa sa biglang pag-eksena ni Kuya Juan. Agad na iniluwal ng lalake ang kanyang pag-aari at nagsuot ng pantalon. Si Elsa naman ay tumayo sa may sulok, nagbibihis.

"Putangina niyo, anong ginagawa niyo? Gusto niyong isumbong ko kayo?"

"Kuya, 'wag ka na lang maingay alam mo naman posisyon ko dito e." sagot ng lalake. Namukhaan ni Kuya Juan na ang lalaking ito ay anak ng Dean.

"Hindi pwede. Ako masisisante dahil d'yan e. Tangina, dun ko sa nanay mo magpaliwanag hali kayo!" sabi ni Kuya Juan.

"Kuya..." humabol ng salita si Elsa.

Tinignan siya ni Kuya Juan. Hindi pa pala ito nagsusuot ng damit. At sa liwanag ng flashlight at konting ilaw mula sa mumunting bintana sa CR, nakita ni Kuya Juan ang katawan ni Elsa. Unti-unting naramdaman ni Kuya Juan na tumatayo ang kanyang alagang ahas.

"Hoy, ikaw...d'yan ka sa labas. Magbantay ka. Hindi ko na kayo isusumbong." utos ni Kuya Juan dun sa anak ng Dean. Sumunod naman agad ito.

Sinara ni Kuya Juan ang pinto ng CR, naghubad ng pantalon at umariba na din kay Elsa.

Pumayag naman ang babaeng sabik sa ahas.

Namuo ang init. Masarap pala ang lasa ng bagong ulam kahit na may una nang tumikim nito.

Ang init ay naging lava sa bulkan na malapit ng sumabog.

Biglang lumiwanag sa loob ng CR, at may mga anino itong kasama.

Sa isang sulyap, nakita ni Kuya Juan ang Dean kasama ang anak nito at ang Presidente ng School, pinapanood siya na umaariba kay Elsa. Sa pagmamadali niya, ang lava na sana ay nai-dilig niya sa kweba ni Elsa ay tumalamsik sa halip sa sapataos ng Dean at ng Presidente.

"Yan po oh, huling-huli niyo naman. Pinipigilan ko na nga po siya...sabi ko hindi na sila nahiya sa pandudumi sa pangalan ng school natin." sabi ng Anak ng Dean.

Anu mang protesta ang gawin ni Kuya Juan, kahit sabihin pa niyang nauna ang anak ng Dean, wala na siyang panalo.

May trabaho pa kaya siya bukas? Ay! Baka ma-T.V pa siya.

January 24, 2011

Written by: Don Vittorio C. Villasin  

The First Five Posts on KBKP





Kuwento Ng Bawat Kabataang Pilipino (KBKP), a fast-growing Community Page on Facebook that showcases different literary pieces such as short stories and poems that uncover social issues and opening the door to the world of young adults, had started its quest on January 17, 2011 and still serves over 2,000 online public up to now.


Reminiscing the past: Daryl Jab, its young founder, started posting short proses and essays before his first companion, Don Vittorio Villasin, landed on the page. And here are the "first five" posts of Facebook's undeniably colorful Community Page:




Masarap Na Treasure Hunting (5)
Isinulat ni Daryl Jab


Ang sarap nguyain ng fresh na kulangot na isang segundo pang nakalabas sa ilong. Pero iba-iba lang talaga ang flavor nito, depende sa taong pinagkukunan mo ng yamang mineral na ito.

Si Karlo, isang propesyunal na doktor na! Malinis na malinis ang uniporme at walang makakalamang marahil sa kaputian! Pati ang mukha ng doktor na natural na kayumanggi ay puting-puti na rin, parang gatas na nilagyan ng formaline, dahil sa sabong may Glutathione na sangkap. Ngunit ang kalinisan niyang ganoon ay magtatagal lamang sa kanyang opisina at laboratoryo sapagkat sa pag-uwi niya sa kanilang bahay ay sinisimulan niya na ang treasure hunting niya sa loob ng kanyang ilong. Tusok. Tingin. Dila. Nguya. Kain. Ang sarap nga daw sabi niya at kahit na madumi itong kulangot na ito na may kulay na berde na minsa'y naging brown at minsa'y naging itim, pinagtitiyagaan pa rin ito ng doktor bilang libangan sa oras ng kanyang pagkabagot. Pati nga anak niya ay tinuturuan din niya kung paano kumain ng kulangot. At dahil mabait si Dr. Karlo, tuturuan ka niya kung paano kainin ito:

1. Tusukin ng iyong hintuturo ng pagkalalim-lalim ang iyong ilong.
2. Pag may nakuha ka nang Yamang Mineral, lutuin muna ito sa pamamagitan ng pagbilog-bilog nito sa pagitan ng dalawa mong mga daliri.
3. Pag bilog na bilog na ang kulangot, dila-dilaan mo na parang ice cream at tsaka mo nguyain.

May iba't-ibang flavor daw ang kulangot. Pag ang tao DIABETIC, sweet as honey daw; pag SINISIPON, maalat na asin; pag ATHLETE, tabang na tubig; at ang pinaka-bestseller ay ang hot & spicy na gawa ng mga taong palaging may nakasabit na siling labuyo sa butas ng ilong.

May confession din ang doktor! Kapag tumutulo na daw tungo sa nguso ang sipon ng kanyang anak, dinidilaan niya raw ito at hinihigop lahat pati na ang nasa loob pa lang ng ilong. Ang sipon na ito daw ang tinatawag na Treasure Soup na mapapa-oh-so-yummy ka raw sa sarap, lalo na pag bata ang iyong source!

Ikaw, tinikman mo na ba ang kulangot mo? Anong lasa? Anong flavor? Masarap ba? Halika nga... Patikim! O tikim!

(Original FB Link: http://www.facebook.com/note.php?note_id=196526613696811)


Sa Pagtatae Ni Juan (4)
Isinulat ni Daryl Jab

 Sumakit na naman ang tiyan ni Juan. At alam na niya kung saang lugar siya tutungo para mawala ang sakit ng kanyang tiyan... Ang kubeta! Kailangan niyang makaraos, dapat na niyang mailabas ito! Tatlong linggo na niya itong di napapalabas kaya malamang, sa isip niya, matigas, mahaba, mataba at mangitim-ngitim na ito paglabas. Papasok na sana siya ng palikuran nang sumigaw ang nanay niyang bungangera mula sa loob, "Hoy bata ka! Hintayin mo muna ang paglaglag ng ebak kong ito bago mo ilaglag ang sa'yo!" Alam na alam na rin siguro ng Nanay Edna niya ang sadya ng pagkatok kaya sumigaw na lang ito. Lumipas ang ilang sandali, narinig na ni Juan mula sa loob ang tunog na 'PLOK!' na parang may malaking batong nalaglag sa tubig ng bowl. Lumabas ang kanyang ina pagkatapos ng tunog. Minamadali siya sa pagpasok sa palikuran nang lumabas na ang kanyang ina. Takang-taka siya, wala man lang siyang narinig na flush? Gayunpaman, nagpatuloy pa rin siya sa pagpasok. Tatlong metro ang layo ng inidoro sa pintuan at sa pagpasok pa lang niya ay amoy na amoy niya na ang mabahong-mabahong amoy ng tae na nakakasuka kapag napasok sa ilong ang hangin na nagdadala ng amoy nito. Isang metro na lang ang layo ni Juan sa inidoro nang makarinig na naman siya ng sigaw mula sa kanyang ina na nasa labas, sigaw na nagpahinto sa kanya sa paglalakad...

"Juan! Wag mo agad i-flush ang tae ko d'yan! Mamaya na yan pagkatapos mo! Sabay mo na lang i-flush para makatipid tayo ng tubig!"

Walang nagawa si Juan kundi ang mapakamot ng ulo at tingnan ang malaking tobol na naiwan ng kanyang ina sa inidoro.

ARAL NA MAPUPULOT:

Magtipid ng tubig. Sundin sa inyong bahay ang ginawa ni Nanay Edna sa kanyang ebak.

(Original FB Link: http://www.facebook.com/note.php?note_id=196525897030216)


Kalaban Ng Batas (3)
Isinulat ni Daryl Jab


Ang dami nang mga pulis ngayon. Wala namang ginagawa! At wala pa rin silang nagagawang mabuti!

Nabasa mo na ba ang dyaryo? Anong laman ng balita? DALAWANG PULIS, NANGGAHASA!? PULIS, NAGNAKAW NG LAPTOP!? PULIS, PUMATAY NG SIBILYAN!? MATANDA, GINAHASA NG ISANG PULIS!? TATLONG PULIS NAG-JAYWALKING!? PULIS, UMIHING NAKAHARAP SA HIGHWAY!? PULIS, NANGUNGULANGOT!?

Dyahe na talaga mga pulis ngayon, abuso nang abuso! Mga alagad ng batas kapag umaga, nagiging kalaban ng batas sa gabi! Sa ganu'n lang ba hahantong ang ilang taon ng pagtre-training?! Papaano nila makumbinse ang mga mamamayan na sundin ang batas kung mismong sila kinakalaban ang batas na dapat sana'y sinusunod din nila!

Kung hindi nila kayang simulan ang pagbabago sa sarili nila, pabayaan na lang sana nila ang mga kriminal! Pero kapag pinabayaan naman nila ang mga kriminal, magkakapatayan naman tayong lahat?!? Ang gulo!?! Ano sa tingin niyo?

(Original FB Link: http://www.facebook.com/note.php?note_id=195133240502815)


Bago Ang Ating Kinabukasan (2)
Isinulat ni Daryl Jab


Linggo ngayon, at naisip ko: bukas, may pasok na naman! Kakapagod talagang isipin na sa loob ng isang linggong may pitong araw, dalawang araw lang ang ibinibigay sa ating mga mag-aaral na pahinga! Minsan pa nga, nagiging isa.

Pero di niyo ba alam na ang paghihirap at pagsasakripisyong ito ay puwedeng magbunga ng napakasarap na hinaharap para sa atin- yan ay depende pa rin sa kung ilang pawis ang iyong pinatulo para makamit ang bungang pinakaaasam niyo. Alam ko, di lahat ng mga estudyante, may alam sa katuturan ng pag-aaral. Dahil kung talagang alam nila, bakit ang dami pang mga kabataan ang palaging nagka-cutting classes, mga estudyanteng walang kaalaman tungkol sa pabalik-balik na lang sana na paksa ng guro, mga estudyanteng natutulog sa loob ng classroom at binabaha ng laway ang mesa habang may guro sa harapan, at mga mag-aaral na naghaharutan sa Study Period ng Exam Day na inilaan sana para sa pagrerebyu sa mga leksyon na natutunan- kung meron man.

‡====================================‡

Gusto mo bang maging doktor? abogado? nars? IT specialist? pari? madre? guro? O kahit simpleng janitor? konduktor? sec. guard? tagapagluto ng puto seko? negosyante ng mga nanakaw na alahas?
-Lahat yan ay kinakailangan ng kaalaman at makukuha lang pagkatapos ng pagpapatulo ng pawis! Wala nang trabaho ngayon na dahil walang kinalaman sa akademiko e kahit mangmang ay pwede na makapasok. Isipin nyo, kahit janitor ngayon, dapat COLLEGE LEVEL na. E ano ba ang gagawin ng janitor? Magkukumpyot din ba siya ng MATH Problems? Bakit kailangan pang COLLEGE LEVEL talaga?!

Yan ang masaklap na katotohanan. Ngunit kung iisipin, may kuwenta din ang katotohanang yan sa atin... Ang kuwenta na dapat pala nating tipirin ang ating panahon at wag sayangin ang pagkakataong makapag-aral habang may oras pa tayong mailalaan. Kung janitor lang pangarap mo, mag-aral ka pa ring maigi... Dahil sigurado akon mag-iiba ang pamantayan mo sa pagpili ng trabahong papasukan kapag may laman na ang iyong isipan...

(Original FB Link: http://www.facebook.com/note.php?note_id=195132920502847)

Ang Amoy Ng Napabayaang Tulo (1)
Isinulat ni Daryl Jab


Heto na naman ang 76 taong gulang na ama ng kapitbahay namin na si Aling Connie, nakaratay ang kalahating hubad na katawan sa sirang higaang gawa sa kawayan malapit sa aming tahanan. Minamasdan ko ang nakahigang matanda. Naawa ako sa kalagayan niya. Hindi na kasi siya pinapasok pa sa bahay ng kanyang anak matapos manghina ang kanyang mga paa at di na makalakad. Umiihi na kasi siya sa kanyang hihigaan kaya napagpasiyahan ng anak na itapon sa labas ang matanda at hinahatdan na lang ng pagkain kapag oras na ng almusal, pananghalian, at hapunan.

Araw-araw na lang ganito. Sa paggising ko sa bawat umaga ay nalalanghap ko agad ang sariwang hangin mula sa bintana ng aking silid na amoy ihi ng tao. Nakakadiri at nakakasuka. Kung sobrang napakayaman ko siguro, bibili talaga ako ng isandaang piraso ng face mask para matakpan ang ilong sa nakamamatay na amoy! Ang sarili kong silid ay nagmistulang public CR na gusto ko sanang basain ng tubig kaya lang wala naman sa loob ang problema!

Pagbukas ko sa pintuan ng aming bahay ay nasuka na talaga ako! Parang bisita na tumatakbo papasok sa aming bahay ang hangin na mala-impyerno ang baho! Nakita ko ang matanda na nakahiga sa higaan niyang isang dipa lang ang layo sa harap ng aming pintuan. Ganoon pa rin ang ayos niya: nakahiga; umuubo; nanginginig ang basang paa at shorts dahilan siguro ng lamig. Nakita ko ring may likidong tumutulo mula sa ibabang bahagi ng kanyang higaan, kulay dilaw na likido. Ang ihi! Dumaloy ang napakaraming ihi sa daanan at sa harap ng pintuan naming may ilang pulgadang sementadong harang. Tuluyan ko na talagang sinara ang pintuan, bumalik sa loob at tumakbo papuntang banyo para sumuka sa lababo.

Doon ko lang naisip na kawawa pala ang matanda. Matapos niyang minahal at pinapalit-palitan ng diaper ang anak sa tuwing iihi ito noong ito'y sanggol, ito lang pala ang mangyayari sa kanya. Sa pagkawala ng ilan sa kanyang bait, hindi man lang siya sinuklian ng anak sa nagawa niyang pagkalinga noon. Umiihi siya nang di sadya ngunit wala man lang nagtiyaga sa kanya.

Lasenggo ang anak niyang si Aling Connie, halos araw-araw may kaharap na isang bote ng Tanduay na nagkakahalaga ng 36 na piso. Kung may puso sana siya para sa kanyang ama, sana ibinili na lang niya ng dalawang adult diapers ang pa...mbili niya ng isang bote ng Tanduay para maipasok na niya ang matanda sa loob ng kanilang bahay at mawala na ang mamamatay-tao na amoy na yon. Suklian naman niya ang kalingang ibinigay ng kanyang ama sa kanya noong ito'y may lakas pa. Huwag niya sanang hahayaang papalit ang isang bote ng Tanduay sa buhay at kaligtasan ng kanyang naghihingalong ama.

‡====================================‡

Pilipinas itong bansa natin. Ang bansang may malaking pusong nagmamahal sa mga magulang, lalong-lalo na sa mapuputi na ang buhok. Bilang Pilipino, tungkulin ho nating suklian ang ating mga magulang ng pagmamahal, naging kontrabida man siya sa ating buhay o hindi, at bigyang importansya sa kanyang pagtanda. Napakahirap nga ang mag-aruga ng matandang wala nang kuwenta at wala nang maigalaw sa katawan ngunit hindi rin ba natin iniisip ang hirap at sakripisyo ng ating mga magulang sa pag-aruga sa atin noong tayo ay walang kuwenta at palamon na sanggol pa? Wala man lang ba tayong masusukling serbisyo't pagmamahal sa kanila sa kanilang pagtanda at pagbabalik sa kanilang pagkamusmos? Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan ngunit isipin natin na ang mga matatanda ay dumaan sa pagiging isa sa mga kabataan at naging pag-asa na rin sila noon. Ang tungkuling maging pag-asa ay natapos na nila, kaya dapat nating mahalin ang ating mga ninuno na magpahanggang-ngayon ay buhay pa't humihinga. (Dedicated to all Senior Citizens)

(Original FB Link: http://www.facebook.com/note.php?note_id=195132683836204)


‡‡===============================================================‡‡

And there they are, the countdown of KBKP's First Five posts - all from the community's founder!